Kalansay sa Baul

Kumusta kaibigan?

My girlfriend will be taking the Bar exam this October. Actually, it’s not the bar I’m worried about. It’s the whole process of preparing for it. This will be a big test on our relationship but more importantly a test of character for myself as a person. Recently, I feel like I only get the downside of being in a relationship. I feel as though I receive none of the benefits of having a girlfriend. All her time, energy, and positive vibes are being allocated on studying and all I get are the spares and negativity. 

I have a gun and it’s locked, and loaded. All I have to do is pull the trigger and everything will be over. Of course, I can’t do that. I knew for a fact that this will happen. Cheating is not an option. I love that person. So no matter what kind of monster she may transform into, I’ll accept that no matter what. I just hope I have someone to talk to. That at least, I need right now. 

Mas maraming bagay na dapat pasalamat kesa sa ikalungkot. Awat na muna tayo sa pagiging negative. Ika nga nila, the best therapy for good health is a positive outlook in life. 

Siguro ay napapatanong kayo, ano nga ba ang nagpapasaya sa akin? Well madami. Isa sa mga importanteng bagay na natutunan ko sa halos 15 years na pamamalagi ko sa internet ay ‘wag masyado magshare dito. Ipagdamot ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Kung magpopost ka man ay pahapyaw lang. ‘Wag maging humblebrag. Umiwas sa away pero rise and defend kapag may ipinaglalaban.

Pero dahil nga “i’m feeling generous” and status ko sa facebook ngayun, mag-oovershare ako at siguro ay ipagmamalaki ko na rin kung ano ang mga kaganapan sa mumunting buhay ko.

Unang-una, nagpapasalamat ako kay gelps mylabs na laging nandiyan para sa akin. Opo, may lablipe ako. May sechs layp ako. Pero hindi ko na papalalimin pa ang storya tungkol dun. Kapag tungkol sa kanya, madamot ako.

Pangalawa, ang ganda ng grades ko. Sa sobrang ganda, sasambahin mo. Sabi nga nila, you haven’t really lost, if you learned from your mistakes. I’ve learned my lesson the hard way. Natuto akong unahin ang pag-aaral na mas makakapag-abot sa aking pangarap. Yung inom, makakapaghintay yan. Mature na nga ba ako? Hindi pa siguro. Nagtutumblr pa rin naman ako. Nagrereblog ng mga kagaguhan, pero natuto na siguro akong i-set ang priority ko sa buhay.

Ang dami kong shit sa life na mas maganda sigurong nai-document sa blog na ito. Pero alanganaman balikan ko pa yun lahat.

O siya, babayoo! Merry Christmas and Happy New Year.

P.S. Fan ako ng Harry Potter pero nagpipintig talaga tenga ko kapag nakakakita ako “Happy Christmas.”  

Worst Birthday EVER.

How can you reply to people wishing you a happy birthday when you’re having the worst one yet? 

All I want is to be appreciated. I want to be accepted for who I am. I want someone who will embrace my flaws. I need someone who wouldn’t judge me for my past. I want somebody who plans for our future. I need to be loved.

I got a piece of advice from a mobile app one time. It told me that whenever I feel bad, transform the bad energy into art. Write a poem or paint a drawing, it said. I’ve been trying to transform all the bad vibes into something good.

I’m having episodes of depression again. I don’t think any art can cure me right now. I feel like shit.

Magsyota nag-aaway:

  • Babae: Putangina naman! ANO BA ANG GUSTO MO PALABASIN!?
  • Lalaki: TAMOD!!
  • Tapos ang away. Nagmake-up sex ng magdamag.

Marunong Akong Lumipad Dati

     Noon, mayroon akong lapis na may kapangyarihang lumaki. Hihimasin mo lang ito ng tatlong beses at ito ay hahaba. Pwede mo itong sakyan para pumunta sa iba’t ibang lugar. Masaya dati dahil walang nakakaalam ng sikreto ng mahiwagang lapis ko noon. Nakakapunta ako sa iba’t ibang lupalop ng mundo gaya ng France, Spain at Germany.

     Gumising ako isang araw na may kakaibang nadarama. Hinimas ko ang lapis pero walang nangyari. Hinimas ko ng hinimas hangga’t magpaltos ang aking mga daliri. Walang nangyari. Sinubukan kong lumipad, pero sumemplang lang din. Nawalan ako ng kapangyarihan ng biglaan. Walang pasabi. Walang due notice. I should have been informed.

     Kumunsulta ako kay Kiki. Siya din daw ay dating nawalan ng kapangyarihan. Para bagang bigla nalang naglaho ng walang paalam. Sabi niya, "huwag kang mag-alala, babalik din yan." Laking pasalamat ko sa narinig kong iyon. “Maghintay ka lang kumpadre, dahil may mga araw talagang walang lalabas sayo. Na parang pinagsakluban ka ng langit at lupa. Ang dapat mo lang gawin ay maghintay at kumuha ng inspirasyon sa ibang nilalang, iyan man ay tao, bagay, hayop o lugar.”

     Sa mundo ng imahinasyon, inspirasyon ang legal tender. Kaya ngayun, naghihintay ako yumaman sa inspirasyon. Konting kadyot pa lalabas din at lalaki muli ang mahiwagang lapis ko. Puso lang.

Bakit Ako Nangangarap?

  1. Nangangarap ako para sa pamilya.
  2. Nangangarap ako para sa bansang sinilangan.
  3. Nangangarap ako para sa anak na hindi pa naisisilang.
  4. Nangangarap ako para sa legacy na gustong iwanan.

Libre lamang mangarap.

Return of the Comeback of the Legendary Tripod that is Heneroso.

Oo, alam ko matagal akong nawala. Matagal akong hindi nakasulat sa mumunting blog na ito, na kung tutuusin ay wala rin namang nagbabasa. Marahil ay takangtaka kayo sa kung ano na ang nangyayari sa buhay ko ngayun. Kung babasahin mula sa umpisa ay napakalungkot pala ng blog na ito. Parang napakaemosyonal na malibog ang mga nilalagay ko noon.

Aking mambabasa, iba na po ako ngayun.

Maraming nagbago mula nang itigil ko ang pagsulat sa blog na ito. May mga bago akong problemang hinaharap, mga problemang nalutas, at mga isyu na kinalimutan. Siyempre, mayroon din namang mga biyayang aking pinagpapasalamatan. Opo aking mahal na mambabasa, simula nang tumigil ako ay natutunan kong huwag nang lumingon sa nakaraan at tumingin na lamang sa kung ano ang sa ngayun at ang hinaharap.

Hayaan ninyo akong bumawi!!